Opisyal nang tinanggap ni Pope Leo XIV ang resignation ni Bishop Jose Corazon Tala-oc, ang nagsisilbing bishop ng Diocese of Kalibo.
Naabot na ni Bishop Tala-oc ang kaniyang mandatory retirement age na 75 yrs.
Dahil dito, pormal ding idineklara ng Vatican ang ‘see of Kalibo’ bilang sede vacante o vacant.
Hangga’t wala pang ina-appoint na bishop, magsisilbi munang apostolic administrator of the diocese si Capiz Archbishop Victor Bendico.
Umabot sa 14 na taon ang pagsisilbi ni Tala-oc sa Kalibo. Siya ay unang itinalaga sa naturang posisyon noong 2010 kung saan si Pope Benedict XVI pa noon ang nagsisilbing Santo Papa.
Bago nito ay itinalaga din siya ni Pope John Paul II noong 2003 sa Diocese of Romblon.
Sa ilalim ng Code of Canon Law, ang isang diocesan bishop ay dapat magsumite ng kaniyang resignation kapag naabot na ang edad na 75.