-- Advertisements --

Nagdulot ng pagbaha ang ilang bahagi ng Navotas ngayong Linggo matapos gumuho ang tatlong metrong river wall dahil sa pagtaas ng tubig dagat.

Iniulat naman na isang bahay ang nasira at limang iba pa ang apektado nang gumuho ang pader sa Barangay San Jose.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nararanasan ngayon ang pagbaha sa District I ng M. Naval sa harap ng City Hall; District II ng M. Naval harap ng Navotas City Hospital, at M. Naval kanto ng E. Tuazon.

Apektado rin ng pagbaha ang Tanza 1 sa mga street, tulad ng Everlasting St., Capt. Cruz, E. Rodriguez, Doña Aurora.

Habang isinasagawa pa ang pagkumpuni ng Tangos-Tanza navigational gate, ipinaabot ng LGU na hindi madaanan ng maliliit na sasakyan ang M. Naval Street sa harap ng Navotas City Hospital.

Pinayagan naman mag-counterflow ang mga motorista.