-- Advertisements --

Binatikos ni Cardinal Pablo Virgilio David ng Kalookan ang labis na kurapsyon sa bansa kaya nagkakaranas ang bansa ng mga matinding pagbaha.

Sinabi ng dating pangulo ng Catholic Bishop Conference of the Philippines , na ang dapat na sisihin sa malawakang pagbaha sa bansa ay ang nagaganap na kurapsyon sa gobyerno.

Giit nito na dapat ay tignan mabuti ang report mula sa Commission on Audit kung paano nagamit ang mga proyekto.

Reaksyon ito ni David dahil sa mga nagaganap na pagbaha kung saan nalubog ang ilang simbahan sa Malabon at Navotas.