Tiniyak ng Pambansang Pulisya ang pagpapanagot pa sa mga sangkot na indibidwal ukol sa mga ilegal na gawain tulad ng ‘smuggling’.
Ito’y kasunod nang matagumpay na masamsam ang nasa P1.5-bilyon halaga ng mga hindi rehistradong produktong tabako o ‘smuggled cigarettes’ sa Malabon.
Kung kaya’y ipinag-utos ni Acting PNP Chief Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang pinalawak pang imbestigasyon patungkol rito.
Nais raw kasing matukoy kung may makikitang koneksyon ang insidente sa isa pang malaking kaso ng pinaghihinalaang ‘smuggled cigarettes’ din sa Batangas City.
Maaring nagpapahiwatig ng mas malawak na ‘smuggling network’ sa bansa kaya nama’y nais mapasuri’t maimbestigahan pa.
Bahagi sa pahayag ng hepe ng Pambansang Pulisya, kanyang ipinaliwanag kung papaano naging matagumpay ang operasyon.
Binigyang halaga ang pagiging organisado at koordinasyon ng pulisya katuwang pati ahensiya ng pamahalaan.
Sa pagpupuslit ng mga di’ rehistradong produkto o ‘smuggling’, nakakaapekto anila ito maging sa mga lehitimong negosyo, at kita ng gobyerno.
Mariing mensahe naman ng ahensiya, hindi palalagpasin ang mga kaso ng smuggling sa basa at patuloy ang mga aksyon lalo na sa pagpapatupad ng batas.
Nagpapakita raw ito ng mas lumalawak na kampanya laban sa smuggling nang sa gayon ay mabuwag ang ilegal na network sa sistematikong paraan.
















