Target ng pamunuan ng Philippine National Police na palawakin pa ang kanilang mga isinasagawang operasyon laban sa smuggling ngayong taon.
Sa isang pahayag ay binigyang diin ni acting PNP Chief, Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. na ang hakbang na ito ng kanilang hanay ay alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang proteksyona ang ekonomiya ng bansa maging ang kabuhayan ng bawat mamamayang Pilipino.
Naniniwala si General Nartatez Jr. na ang smuggling ay usapin din ng katarungan para sa mga tapat na Pilipino at hindi lang usapin ng mga umiiral na batas.
Batay sa tala ng PNP, umabot sa halos ₱5 bilyong halaga ng mga kontrabando ang kanilang nasakote noong nakalipas na taon.
Mula sa naturang halaga, aabot sa P4.3 billion ang nagmula sa mga nakumpiskang smuggled na sigarilyo.
Maliban dito, ang natitirang halaga ay mula naman sa petroleum, agricultural products at counterfeit goods.
Naaresto rin ng PNP ang aabot sa umabot sa 2,216 na indibidwal mula sa kanilang mga ikinasang operasyon .
















