-- Advertisements --
Hawak na ng TNT Tropang 5G ang 2-0 na kalamangan sa best of seven semifinals ng PBA Philippine Cup.
Ito ay matapos na talunin nila ang Meralco Bolts 109-92 sa laro na ginanap sa Smart Araneta.
Bumida sa panalo ng TNT si Calvin Oftana na nagtala ng 26 points at pitong rebounds habang mayroong 24 points at dalawang rebounds si Jordan Heading.
Mayroon namang tig-12 points sina RR Pogoy at Kelly Williams habang 11 points lamang ang naitala ni Brandon Ganuela-Rosser.
Mula sa simula ay hawak ng TNT ang kalamangan kung saan pinilit pa ng Bolts na habulin ito subalit hindi na nila ito nagawan.
















