-- Advertisements --
Lalo pang lumubo ang bilang ng firecracker-related injuries sa lungsod ng Maynila, kasunod ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Batay sa report na inilabas ng Manila Health Department ngayong Enero-1, 2026, umabot na sa 106 katao ang natukoy na biktima ng mga paputok sa naturang syudad.
Ang naturang datus ay mula sa pitong pinakamalalaking ospital na binabantayan ng naturang opisina.
Mula sa mahigit 100 cases, pito rito ang naitalang severe o malala ang tinamong mga sugat. Ang ilan sa mga tinamaan ng paputok ay natukoy na gumamit pa rin ng mga ipinagbabawal na firecracker.
Magpapatuloy pa rin ang pagtatala ng ahensiya sa mga FRI ngayong unang lingo ng Enero.










