-- Advertisements --

Naiwan ang tone-toneladang basura sa malaking bahagi ng Divisoria, Manila, matapos ang kabi-kabilaaang bentahan bago ang pagpasok ng Bagong Taon.

Marami dito ay mga packaging na ginamit sa iba’t-ibang mga produkto na ibinenta sa halos lahat ng mga lansangan ng Divisoria, tulad ng plastic packagding, malalaking styrofoam, wood crates, malalaking plastic boxes, container, at iba pang packaging materials.

Ang iba rito ay mga nagamit na paputok.

Kaninang umaga (Jan. 1, 2026), tuluyan na ring lumisan ang marami sa mga retailer na naglatag ng temporary stalls upang samantalahin ang dagsa ng mga konsyumer.

Batay sa report ng Leonel Waste Management, umabot sa apat hanggang limang tonelada ang nahakot na basura naturang lugar, ngayong araw.

Ginamitan na rin ng mga garbage collector ng loader upang mas mabilis mahakot ang mga basura patungo sa mga nag-iikot na dumptruck.