-- Advertisements --
Walang nakitang pagtaas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng mga presyo ng school supplies sa mga pangunahing bilihan sa bansa.
Ayon kay DTI Secretary Ma. Cristina Roque sa ginawa nilang monitoring isang araw bago ang pasukan ay nananatiling mababa pa rin ang presyo ng mga gamit pang-eskuwela.
Hindi na sila nagbigay ng babala sa mga vendors dahil sa wala namang paglabag at itinakdang price guide.
Maging ang mga basic goods na karaniwang baon ng mga mag-aaral ay walang asahan umano na pagtaas sa presyo ng mga ito.
Natitiyak din ng kalihim na nababantayan nila ang mga pamilihan sa bansa para walang anumang pag-taas sa presyo.