-- Advertisements --
Pinaghahandaan na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagdami ng mga pasahero sa nalalapit na Christmas Rush.
Ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera, na inaasahan nila na aabot sa 200,000 na mga pasahero kada araw ang maitatatala sa LRT-2.
Sa mga regular kasi na araw ay mayroong hanggagn 190,000 na pasahero subalit ngayong Christmas season ay abutin ito ng hanggang 230,000.
Karamihan sa mga dito kasi ay mga mamimili sa Divisoria na bumibili ng mga panregalo.
Para matiyak na walang aberya ay regular ang kanilang ginagawang check ups sa mga trains ganun din ang mga escalators.














