-- Advertisements --
Libreng makakasakay ang mga National ID holders sa Light Rail Transit 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ngayong Martes, Setyembre 16.
Inanunsiyo ito ng Philippine Statistics Authority kasabay ng pagdiriwang ng International Identity Day ngayong araw.
Maaaring makasakay ang mga may national ID nang libre mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Para makapag-avail ng libreng sakay, magpresenta lamang ng National ID, mapa-card man, nasa paper form o digital.
Samanatala, maaari ding ma-avail ng mga pasahero sa may MRT-3 Cubao at Taft stations ang pagrehistro at pag-isyu ng National ID na nasa paper form at maaari ding magpatulong para ma-access ang Digital National ID.