-- Advertisements --

Pinawi ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang pangamba ng publiko dahil sa umano’y pagtaas sa singil sa pasahe.

Ayon kay MRT-3 General Manager Mike Capati, na hindi pa nila tinatalakay ang nasabing pagtaas ng singil sa pasahe sa susunod na taon.

Dagdag pa nito na kasalukuyang inaayos nila ang mga pasilidad.

Sa 2026 ay marami aniyang mga pagsasaayos na gagawin sa MRT-3 stations gaya ng escalators at iba pa.

Hanggang sa katapusan ng 2026 ay maaring magamit na ang nasa 48 na Dalian trains.