-- Advertisements --

Nag-alok ng P50,000 na reward ang alkaldeng San Manuel, Isabela sa sinumang makakapagturo sa suspek na pumaslang kay Miss Philippines-Earth 2013 runner-up Lullete Jane Ramilo-de Guzman.

Ayon kay Mayor Faustino “Dondon” Dy IV, na ang sinumang nakakaalam sa suspek ay maari siyang lapitan o ang kapulisan.

Nagpaabot na ito ng pakikiramay sa pamilya ng 32-anyos na beauty queen at teacher.

Magugunitang binaril hanggang mapatay ang biktima sa bahay nito sa Cabaritan nitong Pebrero 13 ng gabi kung saan nasaksikhan ito ng tatlo niyang anak.