-- Advertisements --

Isinusulong ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr ang pagkakaroon ng Pilipinas ng “Expeditionary navy” upang maprotektahan ang mga Filipino seafarer at sasakyang-dagat habang pinapalakas ang maritime industry ng bansa.

Ayon kay Teodoro, mahalaga ang kakayahan ng Philippine Navy na makapag-operate maging sa high seas, katuwang ang mga bansang may kaparehong interes sa maritime security.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangang muling palakasin ang shipping capacity ng bansa,

Hindi lamang para sa kita kundi bilang reserve capacity na maaaring gamitin sa panahon ng krisis, gaya ng mga naranasang supply chain disruptions noong Covid-19 pandemic.

Sinabi ni Teodoro na bilang isang archipelagic country, dapat higit na mapakinabangan ng pilipinas ang maritime domain nito para sa food production, economic activity at seguridad ng supply chains.

Iniuugnay rin ng Defense chief ang pagpapalakas ng maritime economy sa pagpapaigting ng military capabilities, bilang bahagi ng pagsusulong sa tinatawag na “Blue economy” na nakatuon sa sustainability, development at prosperity.