-- Advertisements --

Mag-aalok ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Line – 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line -3 (MRT-3) sa lahat ng mga pasahero sa partikular na mga oras sa araw ng Martes, Disyembre 30 kasabay ng paggunita ng Rizal Day.

Sa anunsiyo ng pamunuan ng dalawang rain transits ngayong Sabado, epektibo ang libreng sakay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Una nang idineklara ng Palasyo Malacañang bilang regular holiday ang Disyembre 30 bilang pag-alala sa anibersaryo ng kamatayan ng ating magiting na pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.