-- Advertisements --

Ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram nitong Disyembre 31, 2025 na sasalubungin niya ang Bagong Taon sa ospital.

Kasalukuyang sumasailalim gamutan ang ”Queen of All Media” para sa kanyang 11 autoimmune diseases. Ani Kris, “My body is at its weakest, but my spirit is still fighting.”

Nagpasalamat siya sa mga kaibigan, doktor, at pamilya na patuloy na sumusuporta sa kanya, pati na rin sa kanyang mga tagasuporta na nagdarasal para sa kanyang paggaling.

Ipinabatid niya rin na siya at ang anak na si Bimby ay haharap sa maraming pagbabago sa 2026.

Ayon pa kay Kris, mukhang hindi sila paghihiwalayin ng anak sa kabila ng kasalukuyang karamdaman ni Bimby, kaya pinapalibutan siya ng mga air purifier sa ospital upang makatulong sa kanilang kaligtasan.

Sa kabila ng kahinaan ng kanyang katawan, nagpasalamat si Kris sa panalanging natatanggap, na aniya’y dahilan kung bakit siya patuloy na lumalaban.