-- Advertisements --
Ibinahagi ng TV host/ aktres Kris Aquino ang pagpapagupit ng kaniyang buhok.
Sa social media account ng kaibigan nitong sytlist na si Jonathan Velasco ay makikitang bago ang istilo ng buhok ni Kris habang nasa pagamutan.
Sinabi naman ni Kris na “new hair, same brave spirit” kung saan humingi ito ng pagdarasal sa kaniyang mga fans.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay sumailalim si Kris ng minor surgery na may kinalaman sa kaniyang autoimmune disease.















