-- Advertisements --
Ibinahagi ni Kris Aquino na bahagya itong nawalan ng malay habang sumasailalim sa operasyon.
Ayon sa TV host-aktres, na sa loob umano ng dalawang minuto ay tumigil ang kaniyang paghinga.
Nagpost pa ito ng larawan sa kaniyang social media habang nasa postoperative recovery room.
Nagpasalamat ito sa kaniyang mga supporters na nagpaabot ng kanilang pagdarasal para sa ligtas niyang pagsasailalim sa operasyon.
Magugunitang dinapuan ng ilang autoimmune disease si Kris kung saan ilang buwan itong namalagi sa US para magpagamot.
















