-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Kris Aquino na ito ay pinayagan na ng kaniyang mga doktor na makauwi sa kanilang bahay.
Sa kaniyang social media account , ibinahagi ng Queen of All Media ang larawan na pauwi sa kaniyang bagong tahanan.
Dagdag pa nito na agad silang dumiretso dito matapos ang mahigit na anim na linggong pananatili sa pagamutan.
Noong Enero kasi ng sinabi niyang natigil ang kaniyang paghinga ng mahigit dalawang minuto matapos na matigil sa paggana ang kaniyang baga.
Pinasalamatan nito ang lahat ng mga umasikasong doktor at mga medikal experts para sa agarang paggaling niya.
Plano nitong magsagawa ng sariling podcast para ibahagi sa mga fans at followers nito ang mga update sa kaniyang buhay.
















