-- Advertisements --

Nananatiling mababa pa rin ang presyo ng mga school supplies sa bansa ilang linggo bago ang pagsisimula ng pasukan sa Hunyo 16.

Sa ginawang personal na pagbisita ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Christina Roque, sa ilang pamilihan sa Divisori, ay wala itong nakitang mga pagtaas ng presyo.

Mas mababa pa ito ng P1- P10 kumpara sa mga presyo noong nakaraang taon.

Ilan sa mga nakikita nilang dahilan ay maaring bumaba ang production cost ng bawat materyales.

Kasabay din nito ay tiniyak ng kalihim na walang pagtaas din ang mga basic goods gaya ng mga palagiang binabaon ng mga mag-aaral sa paaralan.