-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naniniwala si National Irrigation Administration Administrator Eddie Guillen na ang isyu ng paglipat ng pagmamay-ari ng $1.2-M na tahanan ng kanyang anak na si Claveria Cagayan Mayor Lucille Angelus β€œLA” Guillen sa Las Vegas, Nevada, United States of America ay paninira lamang sa kanya.

Ayon sa kanya, lahat ng bumibili ng bahay sa Estados Unidos ay sa pamamagitan ng isang Limited Liability Company.

Aniya, walang masama sa pagbili ng bahay basta dumaan lang ito sa tamang proseso.

Paliwanag niya, bago pa man pumasok ang kanyang pamilya sa mundo ng pulitika, mayroon na silang iba’t ibang negosyo at kita para makabili ng nasabing halaga ng bahay sa Amerika.

Bukod dito, inakusahan daw siya ng isang news agency na may mga ari-arian na hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN pero binawi nila ito kaagad.

Ayon sa news agency, binili umano ng anak ni Guillen ang five-bedroom at five- bathroom estate noong Mayo 2025 sa halagang $1.265 milyon o katumbas ng humigit-kumulang P70 milyon.

Inilipat umano ni Guillen ang ari-arian sa Southern Highland Limited – Limited Liability Company nang walang bayad noong Setyembre 21, 2025, isang buwan pagkatapos magsimulang mag-imbestiga ang gobyerno ng Pilipinas sa maanomalyang flood control at iba pang mga proyektong pang-imprastraktura.