-- Advertisements --

Tiniyak ng kasalukuyang ‘acting chief’ ng Pambansang Pulisya na si Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang suporta na mas mapahusay ang kalidad ng edukasyon ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Sa kanyang personal na pagbisita kamakailan sa PNPA, pinagtibay ng lider ng Philippine National Police ang layon mas mapatatag ang puwersa ng kapulisan.

Nais din ng hepe ng pambansang pulisya na masegurong patuloy nagbibigay daan ang akademya sa mga opisyal magkaroon ng disiplina, integridad at tapat na paglilingkod.

Kung saan sa talakayan kasama si Acting PNPA Director PBGEN Andre Perez Dizon at iba pang opisyal at pinuno ng PNPA, binigyang diin ni Acting Chief PNP Natatez Jr. ang kahalagahan sa na mapabuti ang pamunuan at instructional capacity ng akademya .

Sa pamamagitan kasi nito’y makalilikha ng mga opisyal na may mataas na pamantayan sa paglilingkod sa publiko.

Habang natalakay rin ang mga proyekto sa naturang akademya kabilang ang modernisasyon ng mga kagamitan pangsanay, pagpapaganda ng pasilidad, at pagpapabuti ng mga programa.