Sangkot sa indiscriminate firing incidents ang apat na pulis, batay sa official report ng Philippine National Police (PNP).
Lumalabas sa report ng PNP na isang Police Senior Master Sargeant mula Iloilo, isang Police Master Sargeant mula Surigao del Sur at dalawang Patrolman mula sa Parañaque at Cagayan de Oro City ang mga sangkot.
Ang master sgt ay inireklamo ng isang concerned citizen matapos umano siyang magpaputok ng baril noong Disyembre-18 dahil sa kalasingan. Tuluyan din siyang naaresto at nasamsam sa kaniyang pag-iingat ang isang cal. 9mm na pistol.
Ang senior master sgt ay inireklamo rin ng isang concerned citizen dahil sa umano’y pagpapaputok ng baril sa Estancia, Iloilo.
Lasing umano siya noong nagpaputok ng baril, at kinalaunan ay tuluyan ding inaresto, kasama ang kaniyang baril na isang 9mm pistol.
Ang dalawang patrolman ay magkasunod na naaresto noong December 25, 2025 mula sa Parañaque City at CDO City.
Sa ngayon ay nananatiling at-large ang patrolman na umano’y nagpaputok ng baril sa CDO habang naaresto na rin ang pangalawa.
Pare-parehong lasing ang tatlong naarestong pulis, batay pa rin sa record ng pulisya.
Ipinapatupad sa pulisya ang ‘one strike policy’ sa mga miyembro nitong sangkot sa indiscriminate firing, batay sa naunang pahayag ni PNP chief, PLGen. Jose Melencio Nartatez.
















