Pinayagan na ng International Criminal Court (ICC) na makibahagi ang 500 na aplikante na mga biktima ng crimes against humanity ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sa inilabas na limang pahinang desisyon ng Pre-Trial Chamber 1, natapos na nila ang findings ng Victims Participation and Reparation Section (VPRS) ng assessment ng 227 applications para sa 500 indibidwal.
Walang nakitang anumang problema sa kanilang assessment ng VPRS kaya kanilang inotorisa ang 500 Group A applicants na makibahagi bilang biktima sa pagdinig.
Irerepresenta din sila ng Common Legal Representative for Victims na siyang unang nagrepresenta sa mga unang mga biktima.
Una ng hiniling ng Chamber noong Enero 28, 2026 na handa silang tumanggap ng mga dagdag na mga biktima.
Nahaharap ang dating pangulo sa kasong crimes against humanity dahil sa murder at attempted murder sa ICC na may kinalaman sa kampanya nito sa iligal na droga noong alkalde ito sa Davao City hanggang naging pangulo ito ng bansa.















