-- Advertisements --

Pormal na naghain ng waiver si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang hindi na dumalo sa confirmation of charges hearing ng International Criminal Court (ICC) na nakatakda sa Pebrero 23 hanggang 27, 2026.

Sa isang liham na may petsang Pebrero 17 mula sa ICC Detention Centre, iginiit ni Duterte na hindi niya kinikilala ang jurisdiction ng ICC.

Inakusahan din niya ang kasalukuyang administrasyon ng Pilipinas na nasa likod umano ng kanyang rendition o sapilitang pagdadala sa Netherlands na tinawag niyang kidnapping.

Mariing itinanggi ng dating Pangulo ang mga paratang kaugnay sa extra-judicial killings na tinawag niyang outrageous lie.

Binanggit din nito ang kanyang edad at mahinang kalusugan bilang dahilan ng hindi pagdalo.

Inihayag din nito ang kanyang kahandaan sa anumang kahihinatnan.

Ipinauubaya na lamang ni Duterte sa kanyang counsel ang paghamon sa ebidensya ng prosekusyon habang nananatili ang kanyang puso sa Pilipinas.