-- Advertisements --

Pinalagan ng Gabriela Women’s Party ang inanunsyong pagtakbo ni Vice President Sara Duterte sa pagka-Pangulo sa 2028 at iginiit na dapat muna nitong harapin ang mga isyu ng korapsyon na ibinabato sa kanya.

Ayon kay Gabriela Rep. Sarah Elago, bago isipin ng Bise Presidente ang muling pagbabalik sa Malacañang, kailangan muna nitong panagutan ang mga alegasyon ng katiwalian.

Iginiit ng mambabatas na ayaw na nilang magkaroon ng panibagong Duterte regime sa Malacañang

Sa kasalukuyan, nahaharap si Duterte sa tatlong magkakahiwalay na impeachment complaints sa Kamara de Representantes.

Kabilang sa mga reklamong ito ang inendorso mismo ni Elago at ng kanyang mga kasamahan sa Makabayan bloc na kumukuwestiyon sa paggamit ng pondo ng opisina ng Bise Presidente.