-- Advertisements --

BUTUAN CITY – “Calculated Move” umano ang ginawang pag-anunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbo ito bilang Presidente sa 2028 election.

Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Wilson Fortaleza, tagapagsalit ng Partido Manggagawa, na ang maagang pag-anunsiyo ni Vice President Sara ay isang kilos na kalkulado upang mapatibay ang suporta sa kaniyang political base sa gitna ng mga kontrobersiya.

Ayon sa opisyal na kinakailangan umano ng magagandang balita dahil si Duterte ay nahaharap ng impeachment complaint habang ang kaniyang ama na si Dating President Rodrigo Duterte ay mahaharap sa trial ngayong Pebrero 23 pati na ang pagkakasama sa listahan sa International Criminal Court o ICC nina Senador Christopher “Bong” Go at Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Dagdag pa ni Fortaleza, na ang maagang deklarasyon ay isang “warning shot” laban sa mga tagasuporta sa impeachment move kungsaan base sa survey si Vice President Sara ang may pinakataas na bilang para sa 2028 presidency.