-- Advertisements --
Inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na kanilang hinahanap kung saan nagmumula ang resulta ng SWS survey na nagsasabing 54 percent ng mga natanong na respondents ay kuntento sa performance ni VP Sara Duterte.
Tanong ni Castro, saan galing ang nasabing rating.
Kahit na ano pa aniya ang maging numero ng mga survey, sinabi ni Castro na hindi maitatanggi ang katotohanan na ang Pangulo ang siyang nagta- trabaho habang ang ilan ay nagbabakasyon lamang.
Sana lang ani Castro ay hindi magsilbing panlilinlang sa katotohan ang mga survey na isinasagawa .
Dapat aniyang lumabas ang totoo kung sino ang tunay na nagta trabaho at ang hindi gumagawa ng kanyang responsibilidad.
















