-- Advertisements --

Arestado ang 10 katao dahil sa iligal na pagbebenta ng mga krudo sa lungsod ng Navotas.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) nakuhanan sa mga suspeks ang 12 milyon halaga ng mga petroleum products at gamit para sa ‘paihi’.

Pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group’s (CIDG) National Capital Region Field Unit ang isinagawang buy-bust operation.

Ilang araw ding minanmanan ng mga otoridad ang nasabing iligal na operasyon hanggang makakuha ng pagkakataon at isinagawa ang pag-aresto.

Ang mga suspek ay may edad mula 20 hanggang 58 kung saan inihahanda na ang kaso laban sa kanila.