Binigyang diin ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang kahalagahan ng ‘integrated system’ ng mga proyektong flood control.
Ang mga dike aniya ang nagsisilbing harang laban sa tubig nanggaling sa Manila Bay, habang floodgates at pumping stations naman ang kumukontrol at naglalabas ng tubig mula sa lungsod.
Giit niya’y kailangan na hindi paisa-isa ang solusyon sa baha kundi dapat sabay-sabay gumagana ang buong sistema.
Sa makaraan pagbaha sa kalakhang Maynila, kapansin-pansin umano na ang lungsod ay nakaiwas sa matagalang pagkaipon ng tubig baha.
Kung saan mabilis na nailabas ang tubig mula sa mga kalsada kasabay sa patuloy na operasyon ng pumping stations, floodgates at drainage system.
Dahil dito iginiit ng mambabatas na dapat masegurong guumagana ang mga proyekto bago pa dumating ang malalakas na pagbuhos ng ulan sa kalakhang Maynila.










