-- Advertisements --
Naglabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng special commemorative stamp para sa namayapang si Pope Francis.
Ang nasabing stamp ay isang uri ng se-tenant format na isang pares na konektado at magkakaibang desensyo.
Ang isang desesnyo ay nagpapakita ng pagiging payak na pamumuhay ng Santo Papa.
Habang ang isa naman ay nagpapakita ng pangunguna ng Santo Papa sa pagsulong ng kapayapaan, social justice at pangangalaga sa kalikasan.
Sinabi ni PHLPost Postmaster General Luis Carlos na sa pamamagitan ng nasabing stamp ay nagpapaalala sa mga isinusulong nito na pagkakaisa at pagmamahal sa bawat isa.
Mayroon lamang 20,000 na kopya ang naiprintang commemorative stamp kasama ang 1,000 na official first day covers.