-- Advertisements --
Nakasalamuha ni Pope Leo XIV si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Kabilang kasi si Zelensky na personal na dumalo sa inauguration Mass ng Santo Papa kasama sina US Vice President JD Vance at US Secretary of State Marco Rubio.
Sinabi ng Ukrainian President na lubos ito ng nagpapasalamat sa Santo Papa dahil sa suporta niya sa kaniyang bansa.
Malinaw din aniya na isinusulong ng Santo Pap ang pangmatagalang kapayapaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Nakita rin ni Zelensky ang kahandaan ng Santo Papa na maging tulay para tuluyang makamit ang kapayapaan sa mahigit tatlong taon na kaguluhan.
Una ng sinabi ng Santo Papa na dapat ay matigil na ang mga kaguluhan sa bawat bansa at handa itong maging isang tulay para ito ay makamit.