-- Advertisements --

Inimbitahan na bumisita sa White House ni US Vice President JD Vance si Pope Leo XIV.

Isinagawa ni Vance ang imbitasyon ng dumalo ito sa inaugural mass ng bagong Santo Papa.

Personal na ipinasakamay ni Vance ang sulat mula kay US President Donald Trump at First Lady Melania Trump na nag-iimbita kay Pope Leo XIV.

Naging positibo naman ang tugon ng Holy See subalit hindi nila kinumpirma kung bibisita ang Santo Papa sa White House.

Nagpalitan pa sina Vance at Santo Papa ng regalo sa ginawang pagbisita.

Binigyan ng US Vice President ang Santo Papa ang t-shirt ng Chicago Bears isang American football team kung saan ipinanganak ang si Pope Leo XIV kung saan nakasulat pa ang pangalan nito kasama rin ng damit ang dalwang libro ni St. Agustine.

Habang nag Santo Papa ay nagbigay ng bronze sculpture na may nakasulat na “peace is a fragile flower” at ang picture book ng papal apartments sa Apostolic Palace ang opisyal na tirahan ng Santo Papa.