-- Advertisements --
Muling umapela si Pope Leo XIV sa Israel na payagang makapasok sa Gaza ang mga humanitarian aid.
Sa kaniyang pakikisalamuha sa mga mananampalataya sa Vatican, ay marapat na matugunan ang pagpasok ng mga tulong dahil sa maraming mga bata na ang nasasawai.
Dagdag pa nito na ang sitwasyon sa Gaza ay labis na nakakabahala na.
Una ng sinabi ng United Nations na dahil sa pagbabawal na pagpasok ng Israel ng kanilang mga aid trucks ay dumarami na ang mga nasasawing mga bata na apektado ng kaguluhan.