-- Advertisements --

Inalmahan ng Hamas ang proposal ng Israel Government na irehistro ang malaking bahagi ng West Bank.

Nais kasi ng Israeli Government na tuluyan na nilang gawing bahagi ng kanilang bansa ang teritoryo na kanilang sinakop mula pa noong 1967.

Subalit iginiit ng Hamas na hindi puwedeng angkinin ng sinumang bansa ang mga lupain na kanilang sinakop.

Sinabi naman ng Palestinian Presidency ang hakbang ng Israel ay siyang lalong magpapalala ng kondisyon sa Gaza.