Binigo Errol Spence ang challenger na si Danny Garcia sa pamamagitan ng unanimous decision.

Dahil sa panalo ay napanatili ni Spence ang kaniyang World Boxing Council at International Boxing Federation Welterweight titles.

Ito ang unang laban ng 30-anyos na si Spence matapos ang paggaling niya sa aksidente noong Oktubre 2019.

Mayoon ng record si Spence na 27 panalo at wala pang talo na mayroong 21 knockouts habang si Garcia ay mayroong 36 panalo at tatlong talo na mayroong 21 knockouts.

Ipinagmalaki naman ni Derrick James ang trainer ni Spence dahil sa matinding laban na ipinamalas nito.