-- Advertisements --
Nagsanib ang Commission on Human Rights (CHR) at Department of Education (DepEd) para sa pagsulong ng karapatang pantao sa mga paaralan.
Sinabi ni CHR Commissioner Beda A. Epres na nagkaroon na sila ng pulong ni DepEd Sec. Sonny Angara nagpakita ito ng suporta.
Ang nasabing “Karapatang Pantao 101” module ay ginawa kasama ang Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS) and the Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na nagsisilbing gabay sa mga guro para ituro ang mga karapatang pantao na napapaloob sa K-12 curriculum.
Bahagi ng kasunduan ay tutulungan ng CHR ang DepEd kung paano ito i-apply ang nasabing module sa kanilang pagtuturo.