Dumating na ang USS George Washington sa karagatan ng Pilipinas na kilala dahil sa nuclear-powered aircraft carrier ng barko at may habang higit sa 1,092 talampakan —mas mahaba kaysa sa pinakamataas na gusali dito sa bansa na kayang magsagawa ng malawakang military at humanitarian missions.
Ang naturang pagdating ay bilang bahagi ng pinalakas na ugnayan ng Amerika at Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Capt. Timothy Waits, commanding officer ng barko, mahalaga ang presensya ng U.S. Navy sa Indo-Pacific upang mapanatili ang malayang kalakalan at kalayaan sa paglalayag.
Kasama rin umano ng USS George Washington ang iba pang barkong pandigma ng Estados Unidos.
Inaasahang magsasagawa muli ng mga naval drills ang Amerika at Pilipinas upang patatagin ang interoperability ng dalawang bansa.
Matatandaan na huling bumisita ang barko sa Pilipinas noong taong 2013 para tumulong sa relief operations matapos ang pananalasa ng Bagyong Yolanda, at noong 2014 para sa mga joint exercises kasama ang Philippine Navy.
Sa pinakabagong deployment, inaasahang magsasagawa muli ng mga naval drills ang Amerika at Pilipinas upang patatagin ang interoperability ng dalawang bansa.
Samantala, ang USS George Washington, na ipinangalan sa kauna-unahang pangulo ng Amerika, ay bahagi ng US Navy’s 7th Fleet at nagsisilbing flagship ng carrier strike group sa Western Pacific.