-- Advertisements --

Nasa loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA).

Namataan ito sa layong 1,095 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.

Ayon sa weather bureau, may posibilidad itong maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Kapag ganap na naging bagyo, tatawagin itong tropical depression Wilma, ang ika-20 tropical cyclone ngayong taon.

Kasabay nito, patuloy na nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng Mindanao na nagdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Ang Northeast Monsoon o Amihan naman ay nagdadala ng malamig na hangin at pag-ulan sa Northern Luzon.

Pinapayuhan ng mga eksperto ang mga residente sa Eastern Visayas, Bicol Region, at Caraga na maghanda sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.