-- Advertisements --

Nagpapatuloy pa rin sa pagkakasa ng mga humanitarian assistance at disaster response operations ang Philippine Navy para sa mga nasalanta ng mga nagdaang sama ng panahon partikular na ang Bagyong Tino.

Sa naging pangunguna ng Civil Military Operations Group-Philippine Navy, nagpadala ang Hukbong Dagat ng halos 205.15 tonelada ng kargo ng mga relief goods na siyang mula sa mga donasyon ng iba ibang organisasyon at indibidwal.

Ilan sa mga naihatid na tulong ay ang mga food packs, botted water, bigas, ilang mga kasuotan, hygiene kits at iba pang mga essentials na halos nagkakahaaga ng P1.2 milyong piso.

Maliban naman sa paghahatid ng tulong at iba pang mga uri ng asssistance, nagtalaga rin ng 150 na tauhan ang hukbo para sa iba pang mga operasyon na patuloy na isinasagawa sa ilang mga lugar na nananatiling apetado ng mga nagdaang bagyo.

Samantala, ang mga relief operations na ito ay nagpapakita lamang aniya ng commitment ng Hukbong Dagat ng Pilipinas para patuloy na makiisa sa mga ginagawang rehabilitation efforts ng pamahalaan para sa unti-unting panunumbalik ng normal na sitwasyon sa mga apektadong lugar.