-- Advertisements --

Nananatili sa loob ng mga evacuation center ang mahigit 34,000 katao, kasunod ng pananalasa ng bagyong Verbena.

Ito ay katumbas ng sampung libong (10,000) indibidwal mula sa 380 na binuksang evacuation center.

Batay sa November-27 report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), umabot na sa kabuuang 624,397 katao ang natukoy na apektado sa pananalasa ng nagdaang bagyo.

Ito ay katumbas ng 178,839 pamilya, na karamihan ay nalubog sa matinding pagbaha.

Umabot na rin sa mahigit P11.7 million ang halaga ng humanitarian assistance na naipagkaloob sa mga biktima ng naturang kalamidad.

Batay pa sa naturang report, 254 na bahay ang natukoy bilang partially damaged habang 76 ang nawasak.

Inaasahang magbabago pa ang naturang datus habang nagpapatuloy ang ginagawang assessment at validation ng DSWD.