-- Advertisements --

Pinaigting ng Philippine Navy ang paghahanda para sa posibleng humanitarian assistance and disaster relief (HADR) missions pagkatapos ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan.

Sa isang statement, inihayag ng Hukbong Katihan ng Pilipinas na kasama dito ang lahat ng disaster and rescue teams at support units.

Nagsagawa na rin ng paghahanda ang mga units ng Hukbo na nakabase sa Fort Bonifacio, Taguig City at Naval base Heracleo Alano and Naval Station Pascual Ladesma sa Cavite City para sa agarang deployment kung kinakailangan.

Kasama sa in-activate ang disaster response, communications at medical teams.

Tiniyak naman ng Hukbo na hindi ito matitinag sa kanilang misyong magserbisyo, magbigay ng seguridad at humanitarian assistance para protektahan at suportahan ang mamamayang Pilipino sa gitna ng mga kalamidad.