-- Advertisements --

Inamin ng opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) na isa sa mga kinaharap na hamon ng kanilang rescue teams ang pagtanggi ng ilang residente na lumikas sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay PCG spokesperson Capt. Neomie Cayabyab, may ilang mga residente na piniling manatili sa kanilang bahay.

Bunsod nito, nagsagawa na ang PCG ng forced evacuation sa mga residente hanggang nitong gabi ng Lunes, Nobiyembre 9, dahil sa nakikitang epekto ng bagyong Uwan lalo na sa mga lugar na malapit sa mga baybayin.

Partikular na tinutukan ng reponse team ng PCG ang mga lugar sa norte gaya ng Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan, Aklan, Sorsogon, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.

Kalaunan, ayon kay Capt. Cayabyab sumunod naman na ang mga naunang tumangging lumikas na mag-evacuate partikular na sa may norte kayat nagpapasalamat aniya sila sa pakikipagtulungan ng publiko.