-- Advertisements --
Natitiyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi makakaapekto sa suplay ng bigas ang bagyong Tino.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr na hindi sila nababahala dahil halos patapos na ang harvest season sa mga pangunahing probinsya.
Ang mga naapektuhang lugar ng bagyo ay hindi pangunahing rice producing area.
Mayroon ding sapat na stocks na bigas ang National Food Authority (NFA) para sa tugunan ang pangangailangan ng bansa.
Isa lamang ngayon ang kanilang ikinakabahala na maapektuhan ang suplay ng mais dahil nasa 33,000 hektarya ng taniman ng mais ang naapektuhan.
















