-- Advertisements --

Umapaw ang Navotas Navigational Gate nitong gabi ng Linggo, Nobiyembre 9 dahil sa malakas na storm surge o daluyong dulot ng Super Typhoon Uwan.

Nangyari ang pag-apaw nito pasado alas-10 ng gabi.

Sa isang statement, sinabi ng Navotas City Public Information Office na isinara ang navigational gate upang maiwasan ang pagbaha.

Subalit dahil sa malalakas na hangin o storm surge, bumaha ito. Base sa kanilang tide calendar, tinatayang nag-peak ng 2 metrong high tide kaninang maga-alauna ng madaling araw.

Patuloy naman aniya ang pag-operate sa kanilang pumping stations para mapabilis ang pagpapakawala ng tubig, subalit sakaling may pag-apaw, pansamantalang matitigil ito sa pag-operate dahil hindi na nito kakayanin kapag patuloy na tataas ang tubig.

Kaugnay nito, nakaalerto naman aniya ang kanilang City Disaster Risk Reduction and Management Office para agad na rumesponde kung kinakailangan.