Tinitiyak ng National Food Authority (NFA) Bicol na sapat ang bigas sa rehiyon sa kabila ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan kamakailan.
Ayon kay NFA Bicol Assistant Regional Manager Julie Llenaresas regular nilang sinusuri at pinoprotektahan ang suplay ng bigas.
Layon ng hakbang na ito na masigurong may sapat na bigas para sa mga Bicolano habang patuloy rin ang paggawa ng bigas sa kanilang mga gilingan.
Base sa datos noong November 7, may 820,304 sako ng palay at 114,292 sako ng bigas sa mga bodega ng NFA Bicol.
Hinihikayat din nila ang mga lokal na pamahalaan na bumili ng bigas mula sa kanila dahil marami pa silang reserba.
Bukod pa rito, ipinagpapatuloy ng NFA Bicol ang programang “₱20 Benteng Bigas Meron Na,” kasama ang Food Terminal Inc. (FTI).
Sa programang ito, makakabili ang mga PWD, solo parent, senior citizen, driver ng jeepney at tricycle, mahihirap na pamilya (kabilang ang 4Ps), magsasaka, at mangingisda ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo.
















