-- Advertisements --

Ipinapanatili ng Department of Agriculture (DA) sa P43.00 kada kilo ang maximum suggested retail price (MSRP) ng mga imported rice.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, ipananatili muna nila ang presyo habang kinukumpleto pa ng gobyerno ang proseso para sa mas mataas na import tariff.

Magkakaroon lamang adjustment sa MSRP matapos ang implementasyon ng mas mataas na taripa sa mga imported na bigas.

Nakatakda kasing magtaas sa 20 percent mula sa dating 15 percent ang rice import duties sa darating na Enero 16, 2026.