-- Advertisements --

Pasok na sa ikatlong round ng Dubai Open Championship si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na magwagi ito laban kay Jasmine Paolini ng Italy sa score na 6-1, 7 (7)-6(5).

Dahil sa panalo ay abanse na si Eala sa Round of 16 ng torneo sa laro nitong madaling araw ng Miyerkules , Pebrero 18.

Sa unang round ay na-domina ng 20-anyos na si Eala ang laro subalit pagpasok ng ikalawang round ay hindi nagpatinag ng World number 4 na si Paolini.

Naging dikitan ang laro ng dalawa sa second set hanggang naitawid na ng Pinay tennis star ang laro at naipanalo.