-- Advertisements --

Bumaba ang nakulekta ng gobyerno sa taripa sa bigas sa taong 2025.

Base sa Bureau of Customs (BOC) na mayroon lamang P13.7 bilyon na rice tariff ang nakulekta.

Ang nasabing bilang ay mas mababa ng 60 percent kumpara noong 2024 na mayroong P34 bilyon.

Inaasahan na ng rice industry ang pagbaba ng kuleksyon sa taripa dahil sa ibinaba sa 15 percent ang taripa mula sa dating 35 percent.

Kasama na rin dito ang pagpapatupad ng Department of Agriculture (DA) ng pagbabawal ng pagpasok ng mga imported na bigas na nagsimula noong Setyembre 1.