-- Advertisements --

Inihayag ng Bureau of Immigration na kasalukuyang walang ‘travel records’ ng paglabas mula Pilipinas ang dating hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag.

Ito mismo ang kinumpirma ng tagapagsalita ng kawanihan na si Immigration Spokesperson Dana Sandoval.

Ibig sabihin, hindi pa rin nakalalabas ng bansa si former BuCor Director General Gerald Bantag sa kasabay ng patuloy na pagtugis sa kanya ng mga awtoridad.

Siya kasi ang itinuturong umano’y ‘mastermind’ sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid noong Oktubre 2022.

Kanyang kinahakaharap ang kasong murder sa Regional Trial Court ng Las Piñas ngunit na-archive pansamantala dahil sa hindi pa ito nakikita.

Magugunitang nauna ng inatasan ng Department of Justice and Bureau of Immigration na mailagay sa ILBO o Immigration Lookout Bulletin Order si Bantag na ngayo’y may Hold Departure Order inisyu mula Muntinlupa Regional Trial Court noong 2023.

Kasunod ang pahayag na walang ‘travel records’ si Bantag sa Immigration nang sabihin ng PNP-Cordillera na wala silang impormasyon sa kinaroroonan ng pugante.